Miyerkules, Abril 24, 2013

DIYOS AMA, DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITO SANTO: SINO SILA?


MAGANDA itong TANONG ni Syd Mcnew

Sabi ni Mcnew, Nemuel Llamo, cge kwento mo nga sino ang ama, ang espiritu at anak , ano ang papel ni mama mary, at ano ang tawag ni mama mary ka Jesus? Diyos ko? JESUS ko? o anak ko..... WITH PATUNAY NA VERSE NEMUEL HA?
.
.
.
+++

Syd Mcnew, salamat sa TANONG MO. ETO, paki basa mo ang sagot.

DIYOS AMA
Ang DIYOS AMA ay ang UNA sa TATLONG PERSONA ng DIYOS. SIYA ang SOURCE o PINAGMUMULAN ng LAHAT. Sa KANYA LUMABAS ang DIYOS ANAK (kaya nga ANAK ang TAWAG sa KANYA) at ang ESPIRITU SANTO.

Sa DIYOS AMA galing ang LAHAT ng KALOOBAN at KAGUSTUHAN ng DIYOS.

Isipin natin ang AMA ng TAHANAN na SIYA ang NAMUMUNO at NAG-UUTOS sa LAHAT ng NAROON.

At dahil AMA, DAKILA ang KANYANG PAPEL sa PAGKA-DIYOS.

Bilang AMA ay sa KANYA ang LAHAT ng KAPURIHAN. Dahil ang KANYANG KAPURIHAN ay KAPURIHAN ng DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO.
.
.
DIYOS ANAK
Ang DIYOS ANAK ang IKALAWANG PERSONA ng IISANG DIYOS. TINAWAG SIYANG ANAK dahil LUMABAS SIYA sa AMA, tulad ng PAGLABAS ng isang BATA sa KANYANG INA. At dahil LUMABAS SIYA sa DIYOS AMA ay TINAWAG din SIYANG "SALITA NG DIYOS."

Ang DIYOS ANAK, o SALITA NG DIYOS, ang LAKAS at KAPANGYARIHAN ng DIYOS AMA.

Isipin natin kung PAANO NAG-UUTOS ang AMA NATIN sa ATIN. SIYA ay NAGSASALITA. NAPAPASUNOD NIYA TAYO at NAIPAPAGAWA NIYA ang KANYANG GUSTO sa PAMAMAGITAN ng KANYANG SALITA.

Sa pamamagitan ng DIYOS ANAK, SALITA ng DIYOS, ay INIUUTOS ng DIYOS AMA ang LAHAT ng GUSTO NIYANG MANGYARI at NAIPAPAHAYAG ang KANYANG KALOOBAN, tulad ng PAGLIKHA o ng PAGHAHAYAG sa TAO.

Sa pamamagitan ng DIYOS ANAK, o SALITA ng DIYOS, ay NAKILALA ng TAO ang DIYOS. HINDI NATIN NAKIKITA o NARIRINIG ang DIYOS AMA. NAKIKITA at NARIRINIG NATIN ang DIYOS nang dahil sa KANYANG SALITA, ang KANYANG ANAK.
.
..
DIYOS ESPIRITU SANTO
Ang ESPIRITU SANTO ang TAGAGANAP o KUMIKILOS para MATUPAD o LUBUSANG MANGYARI ang KALOOBAN ng AMA at ang KAPANGYARIHAN ng ANAK.

SIYA ng MISMONG KUMIKILOS matapos BUOHIN ng DIYOS AMA ang KANYANG KALOOBAN at IHAYAG ITO sa KANYANG ANAK o SALITA.

Ang ESPIRITU SANTO ang SIYANG GUMAGALAW o NAGPAPAGALAW sa KALIKASAN o sa TAO.

Isipin natin na matapos BUOHIN ng AMA NATIN ang KANYANG PASYA at IUTOS NIYA iyon sa pamamagitan ng KANYANG SALITA at MARINIG NATIN ang KANYANG SALITA, ay MAY NAGTUTULAK sa ATIN para SUMUNOD. IYON ang ESPIRITU na TAGLAY NATIN.
.
.
Eto ang MAGANDANG HALIMBAWA ng PAGKILOS ng DIYOS AMA, DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO, ang PAGLIKHA.

INISIP ng DIYOS AMA na LIKHAIN ang SANLIBUTAN.

Para MAGAWA IYON ay NAGSALITA SIYA o INILABAS NIYA ang KANYANG SALITA (ang DIYOS ANAK): "MAGKAROON ng LIWANAG."

Para MATUPAD o MAGING GANAP ang PAGLIKHA sa LIWANAG ay KUMILOS ang DIYOS ESPIRITU SANTO para MAGING EKSISTIDO ang LIWANAG.

GANUN YON.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento